Add parallel Print Page Options

31 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig (A)ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat (B)ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.

32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (C)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.

33 At (D)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (E)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.

Read full chapter